Thursday, December 28, 2006
Maligayang Pasko
kahit medyo huli na ang post ko na ito, ok lang! gusto kong batiin ang lahat ng Maligayang Pasko and Advance Happy New Year!
hindi kagaya ng iba, night ship kami nun dec. 24 at eksaktong 12midnight resting ko. kaya ayun, txt at nakigulo ako sa canteen dahil may palaro sila sa mga dealer. hehehe. sa kasamaang palad, wala me natanggap na premyo, hindi kasi ganun kakapal ang mukha ko para kumanta at sumayaw sa harap ng camera! hehehe
kahit malungkot, pinilit namin na sumaya nun araw na yun, nasa IR ako that night, International Room, kaya naman todo ang kaba ko. hahahha. yun ang pangalawang araw ko na nasalang sa IR. iba kasi kapag sa IR ka naasign, mayayaman ang mga pipz at medyo may pagkademanding bukod pa sa high bets. naku, nakakaloka!
yan muna dahil tapos na ang aking resting.. bye!
posted by jack @ Thursday, December 28, 2006   1 comments
Saturday, December 09, 2006
SPARE
sked for to day 4pm-1am. check-in 3:40 pagswipe ng ID, SPARE! naku, 3 hrs n half ang bakante kong oras. grabe,ang bait naman ni Lord. minsan sinuwerte, bayad ang oras mo kahit wala kang ginagawa. nandyan pa ang canteen at palafang-lafang ng libre.
7:30 magreport daw ako sa pit CP1 extra dealer. naks, petiks mode na naman ako. siguro naawasa akin si Lord dahil kinagtalitan ako ng AM at binantayan ang dealing ko. bakit daw mali ang payment ko. gusto ko sanang sabihin sa kanya, e sir nun dumating lang kayo at nakialam, dun me nangarag sa computation. Joke! baka mapatalsik ako dito.
anyway, sad ang mga pipz here esp. mga pinoy, alam nyo na siguro kung bakit,yun ay dahil sa malapit na ang PASKO! kakaiyak, Paskong-Pasko may pasok at walang pahinga. at ang mas matindi dun malayo ka sa Pamilya. kung didibdibin mo lang talaga,mamamaga mata mo kakaiyak.
yun lang muna, bye!
posted by jack @ Saturday, December 09, 2006   2 comments
Saturday, December 02, 2006
happy anniversary
Sa mga Editorial Angles sa Bulgar at lahat ng staff HAPPY ANNIVERSARY sa inyong lahat! Alam ko na nangunguna pa rin ang Bulgar sa lahat ng bagay dahil sa inyo! hay, namiss ko ang araw na siguradong masaya kayong magkakasama. Miss ko na kayong lahat! kahit wala na ako dyan, hindi ko makakalimutan ang lahat ng pinagsamahan natin.
Belated Happy birthday kay bebe Wends ko, sorry at nakalimutan kitang batiin! kay bebe Fhaye, sana natanggap mo ang aking pagbati gamit ang sim ko d2 sa Malaysia.
isang linggo na yata kaming panggani, ako, si chari at mama mia. palaging 8pm-4am. ngayon naman, 10pm-7am, 9 hours ang work kapag weekend. ok naman ang work, medyo nakakaantok lan minsan. pero kapag matataas ang taya, naku, gising talaga ang diwa mo! lalo na ako! hahahahha.
Mababait ngayon ang mga PIC ko, dalawang Indian at isang Chinese. salamat kay sir Eric at nakapag-update tuloy me ng blog ng dahil sa kanya. 3 lang kasi kaming nagpapalitan sa pit (Taisai) e watcher ako, ayun, puwede na raw me magrest until my break na 20 mins. so nasa 30 mins. + ang resting ko. hehehe!
ano pa ba ang puwedeng ikuwento???? kanina pala kagagaling lang namin sa payroll, late ang sahod namin dahil sa wala pa kaming ATM, after 3 months pa kasi kami magkakaroon. 2nd sahod namin, oks naman at malaki-laki rin ang nakuha. tamang pambayad utang at panggamit ni panget ko papunta dito.
yan muna sa ngayon.. hello sa lahat ng blogger!!!!
posted by jack @ Saturday, December 02, 2006   1 comments
Sunday, November 05, 2006
beauty rest
naku, sa wakas naging masarap ang buhay ko ngayon sa roulette. hayy.. extra dealer ako for 2 hours. salamat naman! hehehehe...
may mga PIC kasi na maldita, grabe, konting pagkakamali mo e, sinisita ka, akalain mo sabihan ako na mahina raw ako sa spinning, e, sa bago pa naman ako, kumpara sa kanila na 10 years ng nagtatrabaho. imbyerna talaga ang mga tsekwang babae. galit yata sila sa mga pinay, hehehehe. ang mga mababait ay ang mga indian, sila ang the best sa pakikipagkaibigan! yun ang sa tangin ko at sinasabi ng mga naunang mga pinoy dito. back to work na naman maya, check out namin ngayon 1am.
3pm naman ang pasok namin maya, hindi ko sukat akalain na sa casino ang bagsak ko, e sa hina ko pa naman sa math, grabe ang computation, ang lalaki ng mga taya ng mga kostumer! hindi nauubusan ng pera!

****

natupad na angb matagal ko ng dasal at sana, sa pangalawang pagkakataon ay matupad din ang pangalawa, yun ay ang makasama ko sa work ang aking mahal na si Panget (Rence) sana makapasa siya!
kapag nagkataon, dalawa na kami ni jen na may bf na kasama, hehehe..makakagala na rin ako nun at hingit sa lahat, may magtuturo na sa akin ng math! Lolz! miss you Mahal ko! I love you!!!!
posted by jack @ Sunday, November 05, 2006   2 comments
Saturday, November 04, 2006
hello
hello sa lahat ng aking mga kaibigan at sa mga hindi ko kaibigan! hehehe.. its past 1am at naisipan kong mag-online at mag-update. free naman kasi break ko for 20 mins. 8pm-4am angb pasok ko, kakapagod, joke!
sa mini dice ako naka-assign now, kaya beauty rest ang lola nyo.. palagi na lang me update ng blog everytime na break ko.. miss you pinas! hanggang sa muli! hello sa mga editorial angels.. miss ko na kayong lahat!
posted by jack @ Saturday, November 04, 2006   0 comments
Tuesday, October 10, 2006
welcome to malaysia
nasi makan

hello sa lahat... ang tagal bago ako nakapag-open ng blog. sawakas nasa malaysia na rin ako. grabe, ang bilis ng pangyayari. hindi ko man maikuwento lahat ngayon, sa susunod na lang ang lahat ng detalye.
nasi makan, yan ang una kong natutunan sa malay language, ibig sabihin, rice kakain ako.. hehehehe.. ang hirap makipag-usap sa mga tao d2, hirap silang umintindi ng inglish, gosh, sign language na lang, turo dito, iiling kapag hindi tama ang ibinibigay o kapag hindi nagkakaintindihan.
tapaw naman ang take-out, o di ba, medyo mahirap ang lenguahe nila.. hehehehe.. ang mga na pagkain sa atin, yun naman ang mura sa Genting Highland,palaging may gulay at prutas kung kumain, kaya solve ang tiyan.
yun lang muna sa ngayon... sa lahat ng mga kaibigan ko, hello sa inyo, miss ko na kau.. gandang gabi sa lahat! nakarooming pala ang dati kong no. kaya lahat ng txt nyo matatanggap ko, huwag lang kaung tatawag, dahil hindi ko sasagutin.. hehehehe. may kaltas din kasi ako kapag sinagot ko.. yan muna sa ngayon.. hope makapag-internet me bukas.. bye!
posted by jack @ Tuesday, October 10, 2006   5 comments
Thursday, August 31, 2006
back to opis
hello sa lahat! i'm back to opis just for this day. hehehe! 11am na ako nagising kanina, ang sarap ng tulog ko kahit na mainit sa room. may txt ako natanggap, 4 galing kay panget (bf ko) 2 kay bebe anne. lunch out daw kami, kfc daw. so, nagpahinga lang ako ng konti at naligo na. sobrang init kasi.
habang lumalafang kami, nagkukuwento naman sila, dami kuwento... after lumafang with anne, fhaye, jeng and mam ja, balik opis na kami. nagpaalam me kay mam rose na magstay sa opis at tumulong, kung may matutulong, pumayag naman... miss ko na kasi ang mga opismates esp. ang work ko. sayang nga at wala si bebe wends, off niya kasi now, si bunso naman and ate mitch, nag-leave. hayy.. miss ko tuloy sila. taga-encode ako ngayon ng news... hehehe.. yun lang for now...have a great day!!!
posted by jack @ Thursday, August 31, 2006   1 comments
About Me

Name: JACK
Home: Philippines
About Me: i am very sensible person and i love to eat, love to sleep, easy to be with, funny and simple. i believe that what ever we have now in life, we created it! I love my FAMILY.. i can say that I’m strong person, I love adventure, party, star gazing. What else, aahhh.. Remember this, “No one can put me down!” I’ll fight for what I believe and I respect everyone’s opinion.
See my complete profile

Previous Post
Archives
Links
Anik Anik
SANDLER ADAM lyrics
Myspace Glitter Graphics, MySpace Graphics, Glitter GraphicsMyspace Glitter Graphics, MySpace Graphics, Glitter GraphicsMyspace Glitter Graphics, MySpace Graphics, Glitter GraphicsMyspace Glitter Graphics, MySpace Graphics, Glitter Graphics Get Gifs at CodemySpace.com Get Gifs at CodemySpace.com Get Gifs at CodemySpace.com
JJuicy
AAppreciative
CCourageous
KKeen

Name / Username:

Name Acronym Generator
From Go-Quiz.com
    Get Gifs at CodemySpace.com Get Gifs at CodemySpace.com Get Gifs at CodemySpace.com
    15n41n1